Sunday, July 26, 2009

at dahil nanalo ang UP maroons...

oo alam ko isang game lang. pero parang appropriate na i-repost ang entry ko nung june 23, 2008. go Maroons! sensya na, happy lang. :)

~~~~~
sagot kay psyche

centennial ng UP ngayong buwan na ito. nalaman ko lang ang totoong date dahil nagpunta ako sa UP nung wednesday para kumain ng rodic's. hindi makatarungan ang traffic. tapos nakita ko na may mga nakapaskil na poster na centennial nga ng up. ok. fine. u-turn kami.

anyway, nabasa ko ang post ni psyche kanina: bumibigat ang aking kaliwang kamao.

madami sigurong nakaka-relate, at isa na ako dun. actually medyo tinamaan ako eh.

pero napaisip ako. bakit nga ba ako nag-UP? naging anti-establishment ba ako talaga? samantalang ang nagpaaral sa akin ng ilang taon ay subsidy mula sa gobyerno dahil barangay kapitana ang nanay ko? at matapos nun, naging konsehal naman ang tatay ko?

bukod sa subsidy ng gobyerno sa bawat mag-aaral ng UP, sweldo ng mga magulang ko galing gobyerno. may karapatan ba ako noon na maging anti-establishment?

wala siguro. pero yung tanong na bakit ako nag-UP, madaling sagutin. gusto kong matuto.

at marami akong natutunan, kahit iskul bukol ako na nadi-dismiss sa college of engineering every sem, hanggang sa natuluyang nasipa nung end ng third year ko, at matinding himala at dasal ang nagpatapos sa akin sa law school. pero hindi lang academics ang natutunan ko sa UP. mas madami akong natutunan na alang kinalaman sa akademiya.

ang natutunan ko talaga sa UP:

1. ala talagang black and white
2. hindi lahat ng nasa gobyerno, kurakot
3. hindi lahat ng nasa NGO, honest
4. hindi lahat ng makabayan, mapagkakatiwalaan
5. hindi lahat ng relihiyoso, naniniwala sa Diyos
6. hindi lahat ng naniniwala sa Diyos, mabait
7. hindi lahat ng di naniniwala sa Diyos, masama
8. hindi lahat ng magaling magsulat, magaling magsalita
9. hindi lahat ng magaling magsalita, magaling magsulat
10. hindi lahat ng di marunong magbasa, mangmang
11. hindi lahat ng pagkain sa kalye, madumi
12. hindi lahat ng madungis, nakakatakot
13. hindi lahat ng malinis, mabait
14. hindi lahat ng mabango, masarap
15. hindi lahat ng mamahalin mo, mamahalin ka pabalik
16. hindi lahat ng magmamahal sa yo, mamahalin mo
17. hindi lahat ng matalino, marunong
18. iyakin din pala ako pag nakataas ang kaliwang kamay sa UP naming mahal tuwing natatalo ang fighting maroons
19. kahit ilang beses nang natatalo ang fighting maroons, masakit pa rin sa kalooban
20. kahit 0-7 na ang standing, umaasa pa rin ako na mananalo sila at mag-cha-champion
21. ...


mahaba ang listahan, at di lahat naaalala ko. pero yun nga, wala talagang black and white...at malamang matagal bago mag-champion ang fighting maroons.

tanong ni psyche, anong klaseng tao ba ang dapat hinuhulma ng UP?

hindi ko alam. minsan ang sarap sabihin na ako, yung tulad ko. pero namaaaaaaaan, ang yabang ko naman masyado, di ba, samantalang ang nakasisiguro lamang ako ay... maganda ako. :P (blog ko to, alang kokontra)

pero kung ano man ang dapat produkto ng UP, sana, bilang minimum requirement, ay ang sumusunod sa blubuk- HONOR EXCELLENCE.

siguro, sa pagitan niyang dalawang yan, may asenso at pag-asa.

at balang-araw, mananalo rin ang fighting maroons.


hapi centennial, UP. sana maging karapat-dapat akong produkto mo.

-tina b.
**-77947
**-40603

No comments:

Post a Comment