Monday, March 07, 2011

dahil araw ng kababaihan....

sinulat ko to noong 2003. parang napapanahon dahil nga sa RH bill. katuwaan lamang.

ako at si zuma
-ni tinabee


tignan mo nga naman
ang impluwensiya ng lipunan.
nung ako'y papasok pa lang ng kolehiyo
bigla kong naisip
(kahit alam kong katangahan,
dahil sa komiks lang siya)
pano kung dumating si zuma
at hindi ako kinuha?
kasi nga naman,
birhen lang ang mga biktima ni zuma
eh di hindi na niya ako kukunin
para dukutin ang puso ko.
at naisip ko,
pag di niya ako kinuha
ano na lang
ang sasabihin ng mga magulang ko?
ng mga kapatid ko?
naiwan akong buhay
dahil di na ako birhen.
mapapagalitan ako
masesermonan
at tatanungin
kung sino ang salarin.
ni hindi ko man lang naisip noon
na malamang matutuwa sila
na buhay ako,
na hindi ako kinuha ni zuma.
at di na sila magtatanong
kung bakit hindi ako dinukot.
basta naisip ko lang
na magagalit sila
dahil dapat birhen ang babae
kapag wala pa siyang asawa.
tignan mo nga naman.
ang impluwensiya ng lipunan.
parang mas ginusto kong
damputin ni zuma
kesa mabisto ng ama't ina.
kalokohan di ba?
pero ganyan kasi
ang impluwensiya ng lipunan
na nagdidikta sa mga kababaihan
ngunit kadalasan ay kamalian.
pero ngayon may isip na ako
alam ko na hindi darating si zuma
kasi nga komiks lang siya.
alam ko na ngayon
na ang iniisip ko noon
ay kalokohan lamang.
eh ano ngayon kung hindi na ako birhen?
siguro pagkakamali
siguro hindi.
at kung may problema ang mapapangasawa ko
aba, magdusa siya.
sana kunin na lang siya ni zuma.

No comments:

Post a Comment