Friday, March 11, 2011

dahil nagkakagulo na sa ibang bayan - ang aking tribute sa mga ofw

hindi ako naging ofw ever. hindi ko naranasang kumayod sa ibang bansa. pero pakiramdam ko ganito ang pakiramdam ng mga ofw. paumanhin na lamang kung may mali.

may nag-request kasi noon na sumulat ako ng tula para sa mga ofw. si esel. kaya nung minsang nasa mcle ako, at para hindi makatulog, sinulat ko to. pero nakikinig ako nun, pramis. :)

para sa mga ofw natin.

HINDI NA SANA AALIS

Bakit daw kami nagta-trabaho sa labas
Bakit daw kami umaalis ng Pilipinas
Bakit ang pag-unlad nakatali sa pag "abroad"
Bakit hindi na lang sa sariling bayan kumayod?

Aba kung tama sana ang pataw ng buwis
Kung maayos ang pangungulekta at walang halong dungis
Hindi na sana aalis, hindi na ako aalis.

Kung nagsisilbi sana ang mga nakaupo
Hindi nanloloko ang nasa gobyerno ko
Sa Pilipinas na lang ako
Sa Pilipinas na lang ako.

Bakit ko nga naman gugustuhing maghirap
Na malayo sa pamilya matupad lang ang pangarap?
Bakit ko titiisin ang mababang pagtingin
Bakit ko iiwan ang magandang bansa natin?
Alam mo ang sagot, alam ko ang sagot,
Hindi tayo aasenso, hanggat may nangungurakot.

Bawat hirap na dinaranas ko sa labas
Kahit papaano, may ginhawang katumbas
Dito sa atin, malungkot mang isipin
Ang sipag at galing, kay daling balewalain;

Pero kung ako ang iyong tatanungin
Kung ano ang tunay na damdamin
Kung ang patakbo ng bansa'y mabuti't malinis
Ayoko sanang umalis
Hindi na sana aalis.


-tina balajadia
oct. 24, 2007
MCLE series 1

No comments:

Post a Comment