"ito ay isang tula para kay pedro"
ito ay para kay pedro,
na aking ginusto
inakit, sinuyo, ipinagluto ng mga putahe
sa bawat tanong ko, ang sagot nya ay hindeh.
tayo'y magpakasal, aking aya sa kanya
sinusuklian lamang ako ng ngiti,
may tawang nagbabadya
akin mang alam na may iba s’yang ninanais
handa akong maghintay, handa akong magtiis.
o pedro, o pedro, ano bang maaari kong gawin?
ibig ko lang naman sana'y ikaw ay mapasaakin
buntong hininga ang sagot,
sinundan ng "sana'y ako'y iyo nang malimot."
hinagpis, luha, lungkot ang sa aki'y bumalot
ang sakit ng aking dibdib hanggang buto'y sumuot.
maya't maya pa'y lumipas ang sandali,
tuluyang gumunaw ang aking mundo nang sa akin ay sinabi
“sana’y wag kang magalit, at pag nagkita tayong muli,
sana'y ako ay tawagin mo nang fifi."
-tinabee
3:54 pm, March 21, 2011
ym series 1
Monday, March 21, 2011
Saturday, March 19, 2011
Friday, March 11, 2011
dahil nagkakagulo na sa ibang bayan - ang aking tribute sa mga ofw
hindi ako naging ofw ever. hindi ko naranasang kumayod sa ibang bansa. pero pakiramdam ko ganito ang pakiramdam ng mga ofw. paumanhin na lamang kung may mali.
may nag-request kasi noon na sumulat ako ng tula para sa mga ofw. si esel. kaya nung minsang nasa mcle ako, at para hindi makatulog, sinulat ko to. pero nakikinig ako nun, pramis. :)
para sa mga ofw natin.
HINDI NA SANA AALIS
Bakit daw kami nagta-trabaho sa labas
Bakit daw kami umaalis ng Pilipinas
Bakit ang pag-unlad nakatali sa pag "abroad"
Bakit hindi na lang sa sariling bayan kumayod?
Aba kung tama sana ang pataw ng buwis
Kung maayos ang pangungulekta at walang halong dungis
Hindi na sana aalis, hindi na ako aalis.
Kung nagsisilbi sana ang mga nakaupo
Hindi nanloloko ang nasa gobyerno ko
Sa Pilipinas na lang ako
Sa Pilipinas na lang ako.
Bakit ko nga naman gugustuhing maghirap
Na malayo sa pamilya matupad lang ang pangarap?
Bakit ko titiisin ang mababang pagtingin
Bakit ko iiwan ang magandang bansa natin?
Alam mo ang sagot, alam ko ang sagot,
Hindi tayo aasenso, hanggat may nangungurakot.
Bawat hirap na dinaranas ko sa labas
Kahit papaano, may ginhawang katumbas
Dito sa atin, malungkot mang isipin
Ang sipag at galing, kay daling balewalain;
Pero kung ako ang iyong tatanungin
Kung ano ang tunay na damdamin
Kung ang patakbo ng bansa'y mabuti't malinis
Ayoko sanang umalis
Hindi na sana aalis.
-tina balajadia
oct. 24, 2007
MCLE series 1
may nag-request kasi noon na sumulat ako ng tula para sa mga ofw. si esel. kaya nung minsang nasa mcle ako, at para hindi makatulog, sinulat ko to. pero nakikinig ako nun, pramis. :)
para sa mga ofw natin.
HINDI NA SANA AALIS
Bakit daw kami nagta-trabaho sa labas
Bakit daw kami umaalis ng Pilipinas
Bakit ang pag-unlad nakatali sa pag "abroad"
Bakit hindi na lang sa sariling bayan kumayod?
Aba kung tama sana ang pataw ng buwis
Kung maayos ang pangungulekta at walang halong dungis
Hindi na sana aalis, hindi na ako aalis.
Kung nagsisilbi sana ang mga nakaupo
Hindi nanloloko ang nasa gobyerno ko
Sa Pilipinas na lang ako
Sa Pilipinas na lang ako.
Bakit ko nga naman gugustuhing maghirap
Na malayo sa pamilya matupad lang ang pangarap?
Bakit ko titiisin ang mababang pagtingin
Bakit ko iiwan ang magandang bansa natin?
Alam mo ang sagot, alam ko ang sagot,
Hindi tayo aasenso, hanggat may nangungurakot.
Bawat hirap na dinaranas ko sa labas
Kahit papaano, may ginhawang katumbas
Dito sa atin, malungkot mang isipin
Ang sipag at galing, kay daling balewalain;
Pero kung ako ang iyong tatanungin
Kung ano ang tunay na damdamin
Kung ang patakbo ng bansa'y mabuti't malinis
Ayoko sanang umalis
Hindi na sana aalis.
-tina balajadia
oct. 24, 2007
MCLE series 1
Monday, March 07, 2011
dahil araw ng kababaihan....
sinulat ko to noong 2003. parang napapanahon dahil nga sa RH bill. katuwaan lamang.
ako at si zuma
-ni tinabee
tignan mo nga naman
ang impluwensiya ng lipunan.
nung ako'y papasok pa lang ng kolehiyo
bigla kong naisip
(kahit alam kong katangahan,
dahil sa komiks lang siya)
pano kung dumating si zuma
at hindi ako kinuha?
kasi nga naman,
birhen lang ang mga biktima ni zuma
eh di hindi na niya ako kukunin
para dukutin ang puso ko.
at naisip ko,
pag di niya ako kinuha
ano na lang
ang sasabihin ng mga magulang ko?
ng mga kapatid ko?
naiwan akong buhay
dahil di na ako birhen.
mapapagalitan ako
masesermonan
at tatanungin
kung sino ang salarin.
ni hindi ko man lang naisip noon
na malamang matutuwa sila
na buhay ako,
na hindi ako kinuha ni zuma.
at di na sila magtatanong
kung bakit hindi ako dinukot.
basta naisip ko lang
na magagalit sila
dahil dapat birhen ang babae
kapag wala pa siyang asawa.
tignan mo nga naman.
ang impluwensiya ng lipunan.
parang mas ginusto kong
damputin ni zuma
kesa mabisto ng ama't ina.
kalokohan di ba?
pero ganyan kasi
ang impluwensiya ng lipunan
na nagdidikta sa mga kababaihan
ngunit kadalasan ay kamalian.
pero ngayon may isip na ako
alam ko na hindi darating si zuma
kasi nga komiks lang siya.
alam ko na ngayon
na ang iniisip ko noon
ay kalokohan lamang.
eh ano ngayon kung hindi na ako birhen?
siguro pagkakamali
siguro hindi.
at kung may problema ang mapapangasawa ko
aba, magdusa siya.
sana kunin na lang siya ni zuma.
ako at si zuma
-ni tinabee
tignan mo nga naman
ang impluwensiya ng lipunan.
nung ako'y papasok pa lang ng kolehiyo
bigla kong naisip
(kahit alam kong katangahan,
dahil sa komiks lang siya)
pano kung dumating si zuma
at hindi ako kinuha?
kasi nga naman,
birhen lang ang mga biktima ni zuma
eh di hindi na niya ako kukunin
para dukutin ang puso ko.
at naisip ko,
pag di niya ako kinuha
ano na lang
ang sasabihin ng mga magulang ko?
ng mga kapatid ko?
naiwan akong buhay
dahil di na ako birhen.
mapapagalitan ako
masesermonan
at tatanungin
kung sino ang salarin.
ni hindi ko man lang naisip noon
na malamang matutuwa sila
na buhay ako,
na hindi ako kinuha ni zuma.
at di na sila magtatanong
kung bakit hindi ako dinukot.
basta naisip ko lang
na magagalit sila
dahil dapat birhen ang babae
kapag wala pa siyang asawa.
tignan mo nga naman.
ang impluwensiya ng lipunan.
parang mas ginusto kong
damputin ni zuma
kesa mabisto ng ama't ina.
kalokohan di ba?
pero ganyan kasi
ang impluwensiya ng lipunan
na nagdidikta sa mga kababaihan
ngunit kadalasan ay kamalian.
pero ngayon may isip na ako
alam ko na hindi darating si zuma
kasi nga komiks lang siya.
alam ko na ngayon
na ang iniisip ko noon
ay kalokohan lamang.
eh ano ngayon kung hindi na ako birhen?
siguro pagkakamali
siguro hindi.
at kung may problema ang mapapangasawa ko
aba, magdusa siya.
sana kunin na lang siya ni zuma.
watdisolabawt?
babae,
kababaihan,
RH bill,
zuma
Thursday, March 03, 2011
faith
just found out that all the documents i'm supposed to be working home are now happily in transit elsewhere. i feel a bit disoriented so i decided to blog to get my bearings a bit.
before i decided to blog i scrolled through the updates in my facebook news feed and noticed that people were posting about two things today: the RH bill and the wonder that is God. As with everything i read little conversations erupt inside my head (and no, we do not have multiple personality disorder. we do not.) and because this blog is about me, all these conversations eventually come back to moi, in relation to whatever it is i've read.
for now, let's talk about faith.
before i decided to blog i scrolled through the updates in my facebook news feed and noticed that people were posting about two things today: the RH bill and the wonder that is God. As with everything i read little conversations erupt inside my head (and no, we do not have multiple personality disorder. we do not.) and because this blog is about me, all these conversations eventually come back to moi, in relation to whatever it is i've read.
for now, let's talk about faith.
Subscribe to:
Posts (Atom)