Saturday, May 15, 2004

kasalanan ng mga lamok

nasabi ko na ata to. pero sasabihin ko ulit.

kasalanan ng mga lamok kung bakit tayo nagdadamit. kung hindi sila nangangagat, aba, di natin kailangan magdamit! kung mainit, hubad lang tayo. kung malamig, magbalot ng kumot.

sa init ng panahon ngayon, kalokohan ang magdamit. kalokohan ang magsuot ng damit pang-opisina. lalo kung nag-co-commute ka lang. parusa ang naka-polo at pantalon.

natusta na ang utak ko sa kasusuot ng damit. kung lahat tayo nakahubad, wala tayong problema di ba? menos gastos na, wala pang problema kung di ka sabay sa uso. kasi walang uso.

kaya ang masasabi ko lang, dapat magdamit lang tayo kung kailangan. at bumili ng katol.

No comments:

Post a Comment