Tuesday, March 27, 2007

crossroads

this song has been playing in my head. over and over and over. it's a song from sister stella l (which i never got to watch).

i've yet to find a recording of the song though. but if you want to hear it, noel cabangon sings it wednesdays at conspiracy garden cafe(shameless plug). susan fernandez sings it too.

sangandaan

walang komplikasyon sa buhay mo noon
kalooban mo'y panatag, kalangitan ay maliwanag
ang daan ay tuwid at patag
sa buhay mo noon.

ngunit bawat pusong naglalakbay
dumarating sa sangandaan
ngayong narito ka
kailangang magpasya
aling landas ang susundin ng puso?
saan ka liligaya?
saan mabibigo?
saan ka tutungo?

kay daling sumunod sa hangin at agos
aasa ka na ang dalangin
gagabay sa 'yong damdamin
ngunit saan ka dadalhin
ng hangin at agos?

alam mong bawat pusong nagmamahal
dumarating sa sangandaan
ngayong narito ka
kailangang magpasya
aling landas ang susundin ng puso?
saan ka liligaya?
saan mabibigo?
saan ka tutungo?


saan nga ba?

2 comments:

  1. hindi ba si pat castillo ang kumanta ng original?

    i think i had a tape of this song many many years ago. di ko na maalala tuloy sa sobrang tagal.

    ReplyDelete
  2. parang siya nga. narinig ko lang yan kay noel nga at kay susan fernandez. gandang kanta. and very appropriate at the moment.

    hanap ko nga yung original version.

    ReplyDelete