Saturday, March 17, 2007

visa blues

just saw this lolo gets a visa.

hay.

nung disyembre nagpunta rin ako para mag-apply ng visa at gusto akong ipadala ng kumpanya. dami kong dalang papeles. titulo, sulat galing sa opisina, income tax ek-ek, at kung ano ano pa. matapos ang halos limang oras ng paghihintay (nakatulog na ako at nagising sa waiting area),
eto ang nangyari.

siya: hi, how are you?
ako: hi. am good....actually i'm tired. (sabay pa-cute na ngiti)
siya: yeah me too. so help me out here, what do you do?
ako: i'm a content engineer. i do analysis, sampling, and pricing for incoming projects.
siya: alright...oh, you got denied...oh, it's been a year. alright.

inabot na sa akin ang yellow slip para sa delivery ng passport. nung paalis na ako humirit pa:

siya: (pasigaw) are you any good?
ako: (pasigaw din, may i plip my hair, look ober my syolder, ngiting malaki, at sinabi ko) OH YEEEAAAAH.

ayun. nabigyan ako ng visa. ni hindi man lang tinignan ang aking sertipikeyt op taytol.

hay. minsan talaga malas ka. minsan swerte.

sadya ngang swerte-swerte lang pag umuulan.

2 comments:

  1. ay ang swerte mo naman!

    ReplyDelete
  2. hehehe. grabe din naman ang pagkadeny sa kin last year.

    totoo talaga na swerte swerte lang. :)

    musta ka?

    ReplyDelete