Thursday, January 27, 2005

plugging muna

TUWING LUNES AT MARTES NG GABI

Tuwing Lunes at Martes ng gabi
Magandang pumunta sa Conspiracy
Bagay sa mga guro at estudyante
At mga matatalinong taga UP hehe

Alas sais ng Lunes may Malaynilay
Usaping lipunan at buhay-buhay
Linangan ng practice at theory
Ng Communitarian Democracy

Alas dyes ng Lunes kalimitan
Si Gary Granada ang aabutan
Masarap din minsan pakinggan
Huwag lang masyadong titignan

Writers' Night naman tuwing Martes
Mga kaek ekan ng petiburges (hihi)
Manunula, manunulat, litterateur
Saboteur, provocateur, amateur!

At sa mga walang hilig sa klase
Alas singko pa lang bukas na kami
Malamig na beer sa mainit na ulo
Ang krusipeho sa kwatro at singko

Ayaw nyo ba ng pulitika at poetry?
Hayy.. ang hirap hirap mangumbinsi
Kaya tuwing Lunes at Martes ng gabi
Libre ang entrance sa Conspiracy!


-gary granada


(CONSPIRACY Visayas Avenue
tapat ng Shell, tabi ng Equitable)



No comments:

Post a Comment