araw araw sa mrt
pagpunta sa trabaho
at sa pag-uwi
aking napapansin
di maiwasang tumingin
mga bumababang mabilis
sa santolan-annapolis.
nakikipagtulakan
parating naiipit
paisa-isa silang
lumalabas pilit.
isipin mo naman
sa dinami-dami ng tao
bakit kakaunti
ang bumababa dito?
nakakaaliw, nakakatuwa
di maiwasang maisip
ang mga nanganganak na ina.
umiiri, nagsusumikap iluwa
ang sanggol
palabas ng bukana
humihilab ang tyan
anak, labas na dyan!
bawat taong lumalabas
sa santolan-annapolis
kailangan gumalaw,
lumabas ng mabilis
at pag nakaraos
at nakalabas na ng pinto,
mga taong naiwan,
muling pupunuin bawat kanto.
naisip ko ring bumaba dito
pero pagdating ng cubao,
ubos na ang mga tao
kaya hahayaan ko na sila
na bumaba paisa-isa
at aaliwin ko na lang ang sarili
sa kanilang pagbaba.
HAHAHAHA. sometimes i kill me.
Nais kong ipahayag
ReplyDeletenais kong ipadama
para akong
nasa "Conspiracy"
natutulala
sa iyong isang tula
hehehe
ReplyDeletesino po sila?
Gawa mo ba ito? Galeng naman! Yep, nakauwi rin ako sa wakas! Parang biglang dumami ang tao sa Baguio. Nakasara na yung newsstand sa corner ng Mido Inn! It was there for the longest time. Pati Pines Theater, sarado na rin! Waaaahhh. It was great to be back nonetheless.
ReplyDeleteoo nga. dami nang nagbago sa baguio. at oo, ako gumawa nito. pag nababaliw kasi ako nagsusulat na lang ako ng kung ano anong tula. :)
ReplyDeleteme likey this poem. me likey to see this in print. :)
ReplyDeletefabulous photo of you, btw. :D