Sunday, March 27, 2005

isang gabi, mahigit isang taon na ang nakalilipas, sumumpa kaming magmahalan hanggang matapos ang walang hanggan. naging saksi ang buwan sa sumpaang ito. nagbigay liwanag at basbas.

ngayon bilog na naman ang buwan at heto akong nag-iisa. nalulungkot.

di nagbabago ang buwan. makalipas ang ilang araw, ito ay nag-iiba ng mukha. subalit bumabalik at bumabalik sa pinagsimulan. paulit ulit.

di gaya ng pagmamahal. lumilipas, pumapanaw. isinasantabi dahil hindi pa panahon.

di ba't kay lungkot?

2 comments:

  1. Jessie... *hugs*

    Sana wag mo masamain pero hindi lahat ng pagmamahal lumilipas o pumapanaw.

    Malay natin, baka yung susunod na pagmamahal na darating, napapanahon na.

    ReplyDelete
  2. salamat jet. alam kong di lahat pumapanaw. siguro dala na rin ito ng lungkot.

    salamat ulit. :)

    ReplyDelete