dahil tagalog ang title, tagalog din ang blog.
nanuod kami ng tagalog movie sa sine pinoy. si dindo fernando, laurice guillen, gloria diaz, eddie garcia at si janice de belen. maganda yung palabas, pero medyo magulo. at malungkot. eto yung nakakainis. nung malapit nang matapos yung palabas at happy ending na sana, naputol. biglang may lumabas na "up next."
hindi maiwasang magmura kami dahil gusto naming malaman kung paano magtatapos ang pelikula. ang masakit pa nun, di namin nasimulan. di namin alam ang pamagat. nakakaiyak.
nag-usap na lang kami kasi ang sumunod na palabas ay "uubusin ko ang lahi mo!" di namin gusto manuod ng barilan kaya nagkwentuhan na lang kami.
napag-usapan namin ang pelikulang "kung mangarap ka't magising."
napanood ko ito nung grade 6 ako. napanood ko ulit nung 2001. natuwa ako nung una ko itong napanood. pati nung pangalawang beses, natuwa ako. gusto rin pala ng ate ko yung palabas. kaya sabi ko, hahanap ako ng kopya.
nag-yahoo ako. tama ang hinala ko. di siya ibinebenta sa pilipinas. pero meron sa kabayan central. dollars ang bayad. pero sulit naman ito. papatulan ko na siguro. o di kaya tatawag ako sa lvn pictures.
balik sa yahoo. may nakita akong isang site. ang pangalan, kwentong tambay. nabanggit niya rin yung pelikula.
pinuntahan ko yung site niya. naaliw ako. nakakatawa yung listahan niya ng kinaiinisan. pati na rin yung mga post niya.
kaya eto. daan kayo dun. natawa ako. at nawala na ang inis ko sa sine pinoy. kahit di ko na nakita ang katapusan nung pinapanood namin. umabot naman ako sa singapore eh.